Tumulak na patungong Cambodia si Pangulong Bengino "Noynoy" Aquino III
nitong Sabado ng gabi upang dumalo sa 21st Association of Southeast
Asian Nations (ASEAN) Summit.
Pinamunuan ni Aquino ang
delegasyon ng Pilipinas na binubuo ng 54 katao kasama na ang ilang
miyembro ng Gabinete. Tumulak ang grupo ni Aquino patungong Phnom Penh
dakong 7:00 p.m.
Bago umalis, inihayag ni Aquino na
inaasahan niya na ang kanyang partisipasyon sa pagtitipon ay magbubunga
ng magandang balita para sa ekonomiya tulad ng karagdagang trabaho para
sa mga Pilipino.
Dagdag pa nito, umaasa siya na
magdudulot ng mas matatag na regional security, at benepisyo para sa mga
overseas Filipino workers ang nasabing pagpupulong.
Bukod
sa Pilipinas, ang mga bansang kalahok sa ASEAN Summit ay Indonesia,
Malaysia, Singapore, Thailand, Brunei, Myanmar, Cambodia at Laos.
Nauna
nang sinabi ng Presidential Communications and Operations Office (PCOO)
na pupulungin ni Aquino ang iba pang matataas na lider ng ASEAN at ng
East Asian Partners (EAP) upang lalo pang patibayin ang kooperasyon ng
mga bansa sa Silangang Asya.
Sa pagtitipon ng mga
pinakamatataas na lider ng bansa sa Silangang Asya, inihayag ng PCOO na
ilalahad ni Aquino ang posisyon ng bansa kaugnay sa maritime security sa
West Philippine sea, human rights at proteksyon ng mga OFW.
Kahit
na pinayuhan ng mga duktor na ipahinga muna ang katawan dahil sa
karamdaman, nagpumilit umano ang pangulo na tumuloy sa biyahe, ayon kay
Maria Montelibano, direktor ng national event na nasa ilalim ng PCOO.
Dagdag pa nito, nagtrabaho pa rin si Aquino nitong Sabado kahit pa sinisipon.
Sa
kabilang banda, sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail
Valte na pinilit umanong makadalo ni Aquino sa pagtitipon dahil mahalaga
ito.
"This is in light of the preparations already
made and the importance of the gathering for the formation of a regional
consensus to ensure stability and peace in ASEAN," ani Valte.
"The
President also believes recent developments in other parts of the world
requires dialogue among ASEAN and other leaders on the potential
economic and security impact of these events on the region," dagdag pa
niya.
Umaabot sa P11 milyon ang gastusin sa nasabing
biyahe ni Aquino sa Cambodia na tatagal ng tatlong araw, mula November
18 hanggang 20.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment