Sa taping ng Sana Ay Ikaw Na Nga sa Valenzuela City last Friday, January 25, ang una naming naitanong kay Andrea Torres ay kung tatatangapin ba niya if ever alokin siyang maging cover girl ng men’s magazine na FHM Philippines.
“Sa ngayon, hindi pa po kasi parang masyado pang maaga.
“Kasi ayoko naman po yung lahat sa isang bagsakan, yung ganun... Depende...
“Paghahandaan ko talaga ng todo,” pambungad na pahayag ni Andrea.
Hindi pa naman daw siya naaalok ng naturang men’s magazine.
Pero paano kung bigla siyang offer-an?
“Depende... pag-iisipan ko.
“'Tsaka ano naman talaga... parang nagiging career move na rin yung FHM... na pag nag-cover ka talaga dun, napapansin talaga.
“Kasi lately magaganda naman talaga yung mga covers, e,” banggit niya.
Isa sa mga factors na ikukunsidera ni Andrea sa pagpapaseksi sa isang pictorial ay ang ama niya na isang professor sa University of Sto. Tomas
“Ayun nga, baka medyo mahirapan akong ligawan si daddy sa ganyan,. at saka ano, kasi hindi pa ako tapos mag-college.
“So, hindi ko rin alam kung magkaka-conflict ba sa UST na magpo- pose ako sa men’s magazine, kasi medyo strict sila, e.
Third year Communication Arts si Andrea sa UST.
“Pero stop po,” klaro niya.
Extended ang Sana Ay Ikaw Na Nga (SAINN)…
“Happy siyempre. Hindi rin namin in-expect na mae-extend.”
“Ang pinagpe-pray na lang talaga namin, mag-rate... kasi parang nakakahiya naman, ang ganda ng record ng afternoon soaps ng GMA, baka sa amin pa masira,” natatawa niyang saad
“So, happy kami na bukod dun sa nag-rate, e may bagong blessing pang dumating, na na-extend pa siya.
“Pero kahit na-extend pa siya, parang feeling namin ano pa rin... parang yung mag-e-end na, parang gusto mo pa ring sana medyo habaan pa ng konti.”
Hanggang sa February 8 ang airing ng Sana Ay Ikaw Na Nga nila ni Mikael Daez.
Ang mami-miss ni Andrea sa kanilang afternoon soap...
“Lahat kami may bonding na talaga, yung buong cast.”
Ang mami-miss niya kay Mikael…
“Yung kakulitan niya! Napaka-hyper kasi niyan, e,” ang natatawa pang sinabi ng dalaga.
“Kahit na anong oras ng taping, talagang ano... may energy pa siya.
“'Tsaka ano siya... nakakatawa kasi ang lakas niyang kumain!
“Sobrang lakas niyang kumain,” kuwento pa rin ni Andrea tungkol sa kanyang leading man.
“Minsan nakaka-apat yang plato na may rice, ang dami niyang kumain pero ang payat niya.
“Kaya siguro marami siyang energy, ang lakas niyang kumain.”
On Gabby Eigenmann…
“Kasi si Gabby parang naging mentor ko na sa pag-arte.
“Talagang ang dami niyang sine-share sa akin na mga tips, so… ang sarap ng ganun, e... may katrabaho kang generous, yung open sa kung ano’ng nalalaman nila.”
Si Ryza Cenon na kontrabida niya sa SAINN...
“Si Ryza actually medyo pareha sila ni Mikael, yung kalog.
“Si Ryza mahilig gumawa ng mga brownies, mahilig siyang mag-bake... palagi siyang may dalang food,” kuwento niya.
Ang eksena sa Sana Ay Ikaw Na Nga na nahirapan si Andrea ng husto…
“Siguro yung lahat ng eksenang todo-iyak, yung ganun. Kasi siyempre ang lalim-lalim na nun, e... para magawa mo yun.
“... na after, parang kailangan mga ilang minutes muna para lang tanggalin mo sa sistema mo yung lahat ng mga minotivate mo sa sarili mo.
“Pero iyon ang pinaka-fulfilling... yung parang feeling mo na totoo... na hindi mo na napapansin yung mga tao sa paligid mo, hindi mo na napapansin yung mga kamera, yung ganun.
“Pero favorite ko yung pag dalawa ako dati.
“Kasi naaliw ako pag nakikita silang magkatapat, lalo na yung pag sinasampal... nakikita mo nakalapat talaga... ang galing, ang galing nung effects.”
Hindi ba na-develop ang feelings nila ni Mikael para sa isa’t-isa sa tagal ng pinagsamahan nila sa SAINN?
“Hindi naman. Wala, hindi naman. Siguro kasi ano... ang dami naming sweet scenes sa eksena, so okay na yun, doon na, hanggang doon na lang.”
Walang boyfriend si Andrea.
“Kaya ang Valentine’s ko ngayon, wala... waley,” ang tumatawang sinabi ng dalaga.
Ano ang plano niya sa Araw ng Mga Puso bilang loveless siya?
“With friends lang, magbu-buffet kami, kami-kaming mga single... ganun lang.”
Wala rin daw siyang mga manliligaw ngayon.
“Wala ring time kasi.
“Lately, hindi rin ako nakakalabas-labas masyado, talagang mga twice a month lang.
“Kasi siyempre kapag kunyari MWF ang taping, so pag may free day, hindi na ako makalabas kasi may work the following day,” eksplika niya.
Ang choices niya na mga leading men na gusto niyang makatrabaho after Mikael sa SAINN…
“Nagagalingan ako kay Alden [Richards] talaga, e. Lalo na sa One True Love.
“So, si Alden, tapos si Dennis Trillo, tsaka si Richard Gutierrez.
“Parang siya yung madalas kapag mga love story, di ba lalo na pag Valentine's, di ba Richard lagi ang ano.”
Mum on Sarah issue
Baguhang leading lady si Andrea sa GMA-7, kaya hiningan namin siya ng comment tungkol kay Sarah Lahbati na upcoming female lead rin ng Kapuso network kundi nga lang nagdesisyong bumalik sa Switzerland.
“Siyempre ayaw rin naman nating may mga gulong nangyayari, di ba? Siyempre nakakalungkot na may mga ganung nangyayari.
“Kaya lang kasi, hindi ako masyadong informed sa isyu nila kaya ayokong mag-comment.
“Hindi ko naman alam kung ano talaga yung nangyayari so ayoko ring mag-comment,” diin niya.
Love vs career
Kaya ba ni Andrea na ipagpalit ang career sa lovelife niya?
“Hindi siguro. Kasi parang naging part na siya ng life ko yung ganun [career].
“Dream ko kasi talaga siya, talagang hindi siya yung biglaan lang. Kaya sayang naman, di ba?
“Ang dami na kasing nangyari sa buhay ko na connected dun sa kagustuhan kong maging artista.
“Nag-stop ako ng school for a while... yung mga ganun.
“Hindi ako nakapag-prom kasi hindi ako regular student.
“So, yung mga ganung sacrifices parang sayang naman kung pagpapalit ko lang sa love, tsaka parang dapat ano yun... balanse.
“At hindi naman dapat hingin sa akin nung boyfriend ko na i-let go ko yung mga gusto kong gawin sa buhay ko,” pahayag niya.
Andrea’s ideal man…
“Basta as long as committed naman yung lalaki 'tsaka honest, okay naman sa akin yun.
“'Tsaka ano kasi ako, e... mahilig ako sa mga sweet nothings, yung mga maliliit na bagay lang.
“So, gusto ko lang yung nage-effort yung lalaki para ipakita niya na love niya ako.”
Little Miss Andrea
Never sumali si Andrea sa mga beauty contests, pero noong bata daw siya ay gusto niyang sumali sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga!
“Hindi ako sumali, gusto ko lang.
“Kasi yung mommy ko nung araw, natatakot siya kasi siyempre bata pa, e.
“Baka daw pag natalo, wala na, ayoko na... parang baka daw masiraan ako masyado ng loob.”
Contract with GMA-7
Three years ang kontrata ni Andrea sa GMA-7.
“Second year ko na po ito,” wika niya.
Matatapos ito sa March 2014.
May next project na ring nakalinya ang GMA for Andrea pero hindi pa alam ng dalaga ang mga detalye tungkol dito.
Paano kung kunin ulit siya ng ABS na siyang unang home studio ni Andrea. Papayag ba siya kung sakali?
“Siyempre, ang priority mo naman doon sa kung sino ang nagbigay sa iyo ng break, di ba?
“Kung wala namang problema sa way ng pagha-handle nila sa akin, hindi ko naman siguro iispin na kumbaga, lumipat,” pagtatapos niyang saad. — Pep.ph
0 comments:
Post a Comment